Lunes, Enero 5, 2009

JANUARY 5, 2009

Ngayon ang pinakaunang araw ng klase namin sa taong ito (2009). Sa pagsisimula ng klase ay ngayong taon na ito ay nagkaroon kami ng activity kung saan ikinumpara namin ang mga pangyayari sa “Unang Paglalakbay ni Rizal sa Europa”, at ang “Pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas”. Binigyan kami ni Sir Irvin ng xerox copy ng mga pangyayari sa unang paglalakbay ni Rizal sa Europa at ang pagbabalik niya sa Pilipinas na tinalakay namin noong nakaraang taon bago magbakasyon. Batay sa mga pangyayaring nakasaad sa print-outs ay inutusan kami na pag-aralan ang mga nangyari. Hinati kami sa grupo at sinabihan na sumulat ng balangkas ng mga pangyayari sa ibinigay na print-outs. Sa aming grupo, hinati namin ang mga gawain. May mga importanteng detalye kasing ipinahanap si Sir Irvin batay sa mga iniulat at sa print-out na ibinigay niya sa amin.

Walang komento: