Lunes, Enero 12, 2009

JANUARY 12, 2009
Hindi kami nagkaroon ng pormal na klase ngayong araw na ito sapagkat nakaiskedyul kaming magkaroon ng “RECREATIONAL ACTIVITY” sa P. E. sabjek namin. Buong araw ang activity kung kayat lahat ng klase namin sa araw na ito ay hindi namin napasukan. Naging masaya ang activity namin at masasabi kong nag-enjoy ako. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay nabawasan ang stress na iniinda ko dahil sa mga requirements at ibang mga bagay na iniisip ko at pinoproblema ko. Bagamat napagod ako nang husto dahil sa napakaraming activity na ginawa namin ay ayos lang dahil atleast sa araw na ito ay naging masaya ako at naging malaya buhat sa mga problema.

Walang komento: