JANUARY 23, 2009
Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng activity. Ang activity na ito ay hango sa dalawang paksang huli naming tinalakay, ang “Ikalawang Paglalakbay ni Rizal sa Europa” at ang “Pagpunta ni Rizal sa Hong Kong”. Bago magsimula ang activity ay pinagawa kami ng mga katanungan at kaakibat na mga kasagutan nito sa isang maliit na papel. Iyon ang naging basehan ni Sir sa mga katanungan na ibinigay niya sa amin. Hinati niya kami sa apat na grupo pagkatapos ay nagkaroon kami ng boardwork acivity. Bawat isang katanungan ay may isa sa aming kagrupo na pupunta sa pisara at siyang sasagot ng katanungan na bubunutin ni Sir. Naging masaya ang activity na iyon. Nag-enjoy kami. Mas maganda ang paraan na ginamit ni Sir ngayon sa pagbibigay sa amin ng quiz. Iyon na kasi ang nagsilbing quiz namin ngayong araw na ito.
Biyernes, Enero 23, 2009
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento