Miyerkules, Enero 14, 2009

JANUARY 14, 2009
Sa araw na ito ay tinalakay namin ang tungkol sa “Ikalawang Paglalakbay ni Rizal sa Europa”. Si Ms. Krisnah Federico ang nagtalakay ng bahaging ito ng buhay ni Rizal. Agad niyang sinimulan ang pagtalakay ng dumating na ang lahat. Hindi na nagkaroon ng pag-uulat ng mga trivia at mga balita na siya naming madalas gawin noon bago magsimula ang klase. Dahil napakahaba ng paksa ay hindi iyon nagawang tapusin ni Krisnah nang araw na iyon kung kayat sa susunod na pagkikita namin ay ipagpapatuloy ulit namin ang talakayan. Naging malinaw naman ang pag-uualt ni Krisnah subalit wala siyan naipresent na visual aids. Iyon ang isa sa maipupuna ko.

Walang komento: