Lunes, Pebrero 9, 2009

Ngayong araw na ito ay nanood kami ng pelikulang hango sa buhay ni Rizal kung saan pinagbidahan ni Albert Martinez na gumanap bilang si Dr. Jose Rizal. Ang pelikula ay tungkol sa naging buhay ni Rizal sa Dapitan. Maganda ang nasabing pelikula. Dahil sa napiling estratehiya ni sir sa pagtuturo ng araw na iyon ay nag-enjoy ang klase at kahit paano ay nagkaroon ng bagong atmospera sa loob ng aming silid-aralan.

Lunes, Pebrero 2, 2009

FEBRUARY 2, 2009
Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng maikling pagsusulit tungkol sa iniulat ko, ang “Pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan”. Pagkatapos naming masagutan ang mga katanungan ay tinalakay namin ang mga kasagutan sa bawat tanong at ilan sa amin ay tinawag ni Sir Irvin para isalaysay ang aming kanya-kanyang kasagutan sa mga tanong na ibinigay niya kung saan nakasali ako. Bigla akong tinawag ni Sir para sumagot. Bagamt di ko iyon inaasahan kung kayat talagang nagulat ako ay nakasagot namn ako dahil alam k talaga ang sagot at hindi ako nangopya alng. Talagang binasa ko kasi ang mga pangyayari sa libro kung kayat naunawaan ko ang mga pangyayari.

Biyernes, Enero 30, 2009

JANUARY 30, 2009

Ngayong araw na iot ay ipinagpatuloy ko ang pag-uulat ko na hindi ko pa nagawang tapusin noong sunod na pagkikita naming dahil nagkaroon nga kami ng activity. Ang iniulat ko ay ang karugtong na pangyayari sa buhay ni Rizal, “Ang Pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan”. Batay sa aking nabasa ay si Gobernador Despujol ang nag-utos na ipadakip si Rizal kahit labag ito sa kanyang kalooban. Ang mga sumusunod ang batayan sa pagkakaresto kay Rizal:
1. marami siyang aklat na laban sa Katolisismo;
2. nakakuha ng sipi ng “Los Pobres Frailes” sa kanyang mga dala-dalahan;
3. paghingi niya ng kapatawaran para sa kanyang mga kapatid at magulang; pagtungo niya sa Malakanyang;
4. inialay niya ang kanyang nobelang “El Filibusterismo” sat along paring traidor;
5. nakakita ng mga polyetong

Miyerkules, Enero 28, 2009

JANUARY 28, 2009

Hindin kami nagkaroon ng pormal na klase ngayong araw na ito dahil ang araw na ito ay dineklara na “ACTIVITY DAY”. Sa araw na ito ay nagsagawa ng iba’t ibang activity ang bawat klase ayon sa kanilang napag-uasapan.

Lunes, Enero 26, 2009

JANUARY 26, 2009

Ngyong araw na ito ay nagkaroon ulit kami ng boardwork activity ngunit karugtong lang naman ng ginawa namin noong nakaraang araw. Hindi kasi namin iyon natapos. Sa pagkakataong ito ay pinagawa ulit kami ng panibagong set ng mga katanungan at ang kaakibat nitong mga kasagutan. Muli, iyon ang nagging basehan ni Sir Irvin sa pabibigay sa amin ng mga katanungan. Muli, nag-enjoy kami at naging masaya kami sa activity na ginawa namin.

Biyernes, Enero 23, 2009

JANUARY 23, 2009
Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng activity. Ang activity na ito ay hango sa dalawang paksang huli naming tinalakay, ang “Ikalawang Paglalakbay ni Rizal sa Europa” at ang “Pagpunta ni Rizal sa Hong Kong”. Bago magsimula ang activity ay pinagawa kami ng mga katanungan at kaakibat na mga kasagutan nito sa isang maliit na papel. Iyon ang naging basehan ni Sir sa mga katanungan na ibinigay niya sa amin. Hinati niya kami sa apat na grupo pagkatapos ay nagkaroon kami ng boardwork acivity. Bawat isang katanungan ay may isa sa aming kagrupo na pupunta sa pisara at siyang sasagot ng katanungan na bubunutin ni Sir. Naging masaya ang activity na iyon. Nag-enjoy kami. Mas maganda ang paraan na ginamit ni Sir ngayon sa pagbibigay sa amin ng quiz. Iyon na kasi ang nagsilbing quiz namin ngayong araw na ito.
JANUARY 23, 2009
Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng activity. Ang activity na ito ay hango sa dalawang paksang huli naming tinalakay, ang “Ikalawang Paglalakbay ni Rizal sa Europa” at ang “Pagpunta ni Rizal sa Hong Kong”. Bago magsimula ang activity ay pinagawa kami ng mga katanungan at kaakibat na mga kasagutan nito sa isang maliit na papel. Iyon ang naging basehan ni Sir sa mga katanungan na ibinigay niya sa amin. Hinati niya kami sa apat na grupo pagkatapos ay nagkaroon kami ng boardwork acivity. Bawat isang katanungan ay may isa sa aming kagrupo na pupunta sa pisara at siyang sasagot ng katanungan na bubunutin ni Sir. Naging masaya ang activity na iyon. Nag-enjoy kami. Mas maganda ang paraan na ginamit ni Sir ngayon sa pagbibigay sa amin ng quiz. Iyon na kasi ang nagsilbing quiz namin ngayong araw na ito.

Miyerkules, Enero 21, 2009

JANUARY 21, 2009
Ngayong araw na ito ay tinalakay naman namin ang sunod na pangyayari sa buhay ni Rizal, ang “pagpunta ni Rizal sa Hong Kong”. Ako ang nag-ulat ng bahagi ng buhay na ito ni Rizal. Ayon sa aking nabasa at napag-aralan ay balak na sanag bumalik ni Rizal sa Pilipinas ng mga panahong iyon subalit, pinigilan siya ng kanyang mga kaanak dahil alam nila may nakaaambang panganib na maaring sumalubong kay Rizal pagbalik niya sa Pilipinas. Bukod pa doon, napag-alaman din ni Rizal na sa Hong Kong ay may mga iskolar o mga kabataang Pilipino rin ang may matinding hangarin para sa kanilang bayan, tulungan ang mga Pilipinong inaapi ng mga Espanyol at kalayaan ng bansa.

Lunes, Enero 19, 2009

JANUARY 19, 2009
Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng activity. Ang activity na ito ay batay sa iniulat ni Krisnah noong nakaraang talakayan. Gaya ng naunang mga activity ay ipinasulat ulit sa amin ang mga importanteng detalye na nabanggit sa pag-uulat. Gaya rin ng dati ay binigyan kami ni Sir Irvin ng print-outs na naresearch niya. Batay doon, ay nagkaroon kami ng dagdag na kaalaman. Malinaw na isinasaad doon ang mga nangyari sapagkat detalyadong isinaad ang mga naganap ng magpunta ulit si Rizal sa Europa.

Biyernes, Enero 16, 2009

JANUARY 16, 2009
Ngayong araw na ito ay ipinagpatuloy namin ang pagtalakay sa “Ikalawang Paglalakbay ni Rizal sa Europa” na hindi namin nagawang tapusin noong nakaraang araw. Sa pagkakataong ito ay nakapaghanda na si Krisnah ng visual aids. Sa pag-uulat ni Rizal ay nagawa niya naming maipaliwanag ng maayos ang mga pangyayari sa bahagi ng buhay na ito Rizal.

Miyerkules, Enero 14, 2009

JANUARY 14, 2009
Sa araw na ito ay tinalakay namin ang tungkol sa “Ikalawang Paglalakbay ni Rizal sa Europa”. Si Ms. Krisnah Federico ang nagtalakay ng bahaging ito ng buhay ni Rizal. Agad niyang sinimulan ang pagtalakay ng dumating na ang lahat. Hindi na nagkaroon ng pag-uulat ng mga trivia at mga balita na siya naming madalas gawin noon bago magsimula ang klase. Dahil napakahaba ng paksa ay hindi iyon nagawang tapusin ni Krisnah nang araw na iyon kung kayat sa susunod na pagkikita namin ay ipagpapatuloy ulit namin ang talakayan. Naging malinaw naman ang pag-uualt ni Krisnah subalit wala siyan naipresent na visual aids. Iyon ang isa sa maipupuna ko.

Lunes, Enero 12, 2009

JANUARY 12, 2009
Hindi kami nagkaroon ng pormal na klase ngayong araw na ito sapagkat nakaiskedyul kaming magkaroon ng “RECREATIONAL ACTIVITY” sa P. E. sabjek namin. Buong araw ang activity kung kayat lahat ng klase namin sa araw na ito ay hindi namin napasukan. Naging masaya ang activity namin at masasabi kong nag-enjoy ako. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay nabawasan ang stress na iniinda ko dahil sa mga requirements at ibang mga bagay na iniisip ko at pinoproblema ko. Bagamat napagod ako nang husto dahil sa napakaraming activity na ginawa namin ay ayos lang dahil atleast sa araw na ito ay naging masaya ako at naging malaya buhat sa mga problema.

Biyernes, Enero 9, 2009

JANUARY 9, 2009
Ngayong araw na ito ay tinapos namin ang pagtalakay sa “Unang Paglalakbay ni Rizal sa Europa at ang “Pagbabalik niya sa Pilipinas” sa pamamagitan ng pagsulat ng time line sa pisara. Ang time line ay una ng ipinagawa sa amin noong lunes at pinatapos sa amin noong miyerkules. Sa time line na iyon ay isinulat namin ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Rizal sa kanyang paglalakbay ayon sa nabanggit ko kanina. Bawat grupo ay nagkaroon ng representative na siyang nagsulat ng mga importanteng detalye sa pisara. Pagkatapos naming maisulat ang mga detalye ay tinalakay namin ang bawat isang nakasulat doon sa ginawa naming time line.
JANUARY 9, 2009
Ngayong araw na ito ay tinapos namin ang pagtalakay sa “Unang Paglalakbay ni Rizal sa Europa at ang “Pagbabalik niya sa Pilipinas” sa pamamagitan ng pagsulat ng time line sa pisara. Ang time line ay una ng ipinagawa sa amin noong lunes at pinatapos sa amin noong miyerkules. Sa time line na iyon ay isinulat namin ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Rizal sa kanyang paglalakbay ayon sa nabanggit ko kanina. Bawat grupo ay nagkaroon ng representative na siyang nagsulat ng mga importanteng detalye sa pisara. Pagkatapos naming maisulat ang mga detalye ay tinalakay namin ang bawat isang nakasulat doon sa ginawa naming time line.

Miyerkules, Enero 7, 2009

JANUARY 7, 2009
Ngayong araw na ito ay nagkaroon ulit kami ng activity na karugtong ng activity na ipinagawa sa amin noong nakaraang talakayan, Lunes ng umaga. Sa puntong ito ay ipinasulat naman sa amin ang mga importanateng detalyeng nabanggit sa print-outs ayon sa pagkakasund-sunod ng mga pangyayari. Isang time line ang ginawa namin. Ipinagpatuloy namin ang nasimulan namin noong lunes dahil hindi namin iyon nagawang tapusin dahil sa knulang na kami sa oras.

Lunes, Enero 5, 2009

JANUARY 5, 2009

Ngayon ang pinakaunang araw ng klase namin sa taong ito (2009). Sa pagsisimula ng klase ay ngayong taon na ito ay nagkaroon kami ng activity kung saan ikinumpara namin ang mga pangyayari sa “Unang Paglalakbay ni Rizal sa Europa”, at ang “Pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas”. Binigyan kami ni Sir Irvin ng xerox copy ng mga pangyayari sa unang paglalakbay ni Rizal sa Europa at ang pagbabalik niya sa Pilipinas na tinalakay namin noong nakaraang taon bago magbakasyon. Batay sa mga pangyayaring nakasaad sa print-outs ay inutusan kami na pag-aralan ang mga nangyari. Hinati kami sa grupo at sinabihan na sumulat ng balangkas ng mga pangyayari sa ibinigay na print-outs. Sa aming grupo, hinati namin ang mga gawain. May mga importanteng detalye kasing ipinahanap si Sir Irvin batay sa mga iniulat at sa print-out na ibinigay niya sa amin.