Sa araw na ito wala kaming masyadong ginawa. Pagkatapos ng pag-uulat ng balita at mga trivia ay ipinaliwanag sa amin na kailangan naming baguhin ang paraan ng pagrereport ng mga trivia at news. Kailangang naroon ang mga referens o mga pinagkunan ng impormasyon para may basehan ang aming mga iniuulat at para naman mabigyan ng pagkakataon ang iba na makita o mabasa ang mga iyon. Ito na ang pangatlong araw ng klase namin sa Filipino sa aming bagong guro. Ang masasabi ko lang talagang mahiyain siya. Bihirang kumibo at mahina ang boses. Talagang naiilang pa siya sa amin. Hindi masyadong tumitingin sa amin kapag may sinasabi. Ganunpaman naiintindihan ko naman kaya lang alam kong hindi nagugustuhan ng iba iyon. Sabagay, maganda talaga kung malakas ang boses ng guro at hindi gaanong seryoso. Isa pa sa rason ay ang tungkol sa project. Medyo magastos daw. Oo nga, tama naman sila pero dapat nilang isipin na magastos talaga ang pag-aaral. Kung tinatamad silang gumawa pagkatapos ng meeting maaari naman nilang gawin ito tuwing araw ng sabado. Kailangan lamang ay gumawa ng draft para mas madali ang pag-encode. Hindi rin naman kailangang masyadong mahaba. Bastat nariyan ang gusto mong sabihin. Malaya naman tayong gumawa ng kahit ano sa ating blog. Ang masasabi ko lang kailangan lang ay magkaroon tayo ng positibong pag-iisip tungkol dito. Alam ko naman na hindi ito ibibigay sa atin kung hindi ito makakatulong at makakapagpapaunlad sa ating kakayahan bilang estudyante.
Lunes, Nobyembre 17, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento