Biyernes, Nobyembre 21, 2008
Pagpapatuloy ng Pagpaplano Para Sa Magaganap Na Poster Making Contest
Sa pagpapatuloy ng aming pag-uusap tungkol sa nalalapit na activity day ay nag-isip kami ng temang naaayon sa "National Book Week Celebration" para siyang maging paksa ng poster making contest na iisponsoran namin sa darating na miyerkules ng umaga. Napag-usapan ng klase na simulan ang paligsahan sa ganap na alas-nuwebe ng umaga at tapusin sa ganap na alas-dose ng tanghali. Ang pagparegister ay magsisimula na ngayong araw na ito at matatapos sa miyerkules bago magsimula ang paligsahan. Naibigay na rin ang mechanics ng paligsahan. Ang 15 % ng rating ay manggagaling sa stubs na maipagbibili ng mga partisipante. Bukod pa doon, ang partisipanteng makapagpapabili ng pinakamaraming stubs ay mabibigayan ng parangal, ang "PEOPLE'S CHOICE AWARD". Ang pagkakalat ng mga impormasyon ay gagawin sa pamamagitan na lamang ng pagpapaskil sa iba't-ibang parte ng paaralan upang hindi na maabala ang klase.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento