Miyerkules, Nobyembre 26, 2008
ACTIVITY DAY!!!
Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng "National Book Week Celebration". Ang aming klase ay isa sa naging parte ng selebrasyong ito. Gaya ng napag-usapan namin sa aming klase ay nag-isponsor kami ng poster making contest. Ang paligsahang ito ay dinaluhan ng iba't ibang departamento dito sa paaralan. Nagsimula ito sa ganap na 9:20 ng umaqga at natapos sa ganap na 12:20 ng tanghali. Pagkatapos ng paligsahan ay diretso na agad sa botohan. Ang bawat isa sa mga partisipante ay binigyan ng mga ticket o stubs na ipagbibili nila sa kanilang mga kaklase upang makakuha ng dagdag na puntos dahil kasali iyon sa ibinigay na mechanics ng ilan sa aking mga kakalase. Ang bawat isa sa stubs na iyon ay nagkakahalaga ng isang piso at katumbas niyon ay isang boto para sa partisipanteng pagbibilhan nila. Ang partisipanteng makapagpapabili ng pinakamaraming stubs ay bibigyan ng parangal, ang "PEOPLE'S CHOICE AWARDS".
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento