Miyerkules, Nobyembre 19, 2008

Paghahanda Para Sa National Book Week

Pagkatapos ng kaunting seremonyas bago magsimula ang klase, dumako na kami sa pagtalakay ng programang aming iisponsoran para sa darating "NATIONAL BOOK WEEK CELEBRATION". Napagkasunduan naming mag-isponsor ng isang "poster making contest". Sa ngayon ay wala pa kaming naisip na maarimg pamagat para dito. Ang ibang detalye ay pag-uusapan pa lamang sa susunod na meeting. Inabot kasi kami ng isang oras sa pagaasayn pa lamg ng mga komite sa iba't -ibang gawain. Maganda ang nasabing proyekto. Tiyak na makakatulong ito sa aming mga estudyante. Kaya lang, siyempre, may kamahalan kung kaya't di naiwasang may magtutol dito, ngunit maaari naman iyang magawan ng paraan. Balak naming humingi ng pondo sa "SSC" sa tulog ng kaklase naming miyembro ng SSC ay inaasahan naming marerealize ang aming proyekto.

Walang komento: