Biyernes, Nobyembre 28, 2008

Reaksyon 3

Ngayong araw na ito ay ipinagpatuloy namin ang naudlot naming talakayan. Si kuya Alex at si Miranda ang nag-ulat at ang kanilang paksa ay tungkol sa "Kabataan ni Rizal". Naging malinaw naman ang kanilang pag-uulat ngunit may kulang sapagkat hindi sila nakapaghanda ng visual aids. Pero sa kabuuan ay masasabing maayos naman ang kanilang performance. Alam nila ang paksa ngunit kinulang nga lang sa paghahanda. Maikli lang ang nangyaring talakayan.

Miyerkules, Nobyembre 26, 2008

ACTIVITY DAY!!!

Ngayong araw na ito ay nagkaroon kami ng "National Book Week Celebration". Ang aming klase ay isa sa naging parte ng selebrasyong ito. Gaya ng napag-usapan namin sa aming klase ay nag-isponsor kami ng poster making contest. Ang paligsahang ito ay dinaluhan ng iba't ibang departamento dito sa paaralan. Nagsimula ito sa ganap na 9:20 ng umaqga at natapos sa ganap na 12:20 ng tanghali. Pagkatapos ng paligsahan ay diretso na agad sa botohan. Ang bawat isa sa mga partisipante ay binigyan ng mga ticket o stubs na ipagbibili nila sa kanilang mga kaklase upang makakuha ng dagdag na puntos dahil kasali iyon sa ibinigay na mechanics ng ilan sa aking mga kakalase. Ang bawat isa sa stubs na iyon ay nagkakahalaga ng isang piso at katumbas niyon ay isang boto para sa partisipanteng pagbibilhan nila. Ang partisipanteng makapagpapabili ng pinakamaraming stubs ay bibigyan ng parangal, ang "PEOPLE'S CHOICE AWARDS".

Biyernes, Nobyembre 21, 2008

Pagpapatuloy ng Pagpaplano Para Sa Magaganap Na Poster Making Contest

Sa pagpapatuloy ng aming pag-uusap tungkol sa nalalapit na activity day ay nag-isip kami ng temang naaayon sa "National Book Week Celebration" para siyang maging paksa ng poster making contest na iisponsoran namin sa darating na miyerkules ng umaga. Napag-usapan ng klase na simulan ang paligsahan sa ganap na alas-nuwebe ng umaga at tapusin sa ganap na alas-dose ng tanghali. Ang pagparegister ay magsisimula na ngayong araw na ito at matatapos sa miyerkules bago magsimula ang paligsahan. Naibigay na rin ang mechanics ng paligsahan. Ang 15 % ng rating ay manggagaling sa stubs na maipagbibili ng mga partisipante. Bukod pa doon, ang partisipanteng makapagpapabili ng pinakamaraming stubs ay mabibigayan ng parangal, ang "PEOPLE'S CHOICE AWARD". Ang pagkakalat ng mga impormasyon ay gagawin sa pamamagitan na lamang ng pagpapaskil sa iba't-ibang parte ng paaralan upang hindi na maabala ang klase.

Miyerkules, Nobyembre 19, 2008

Paghahanda Para Sa National Book Week

Pagkatapos ng kaunting seremonyas bago magsimula ang klase, dumako na kami sa pagtalakay ng programang aming iisponsoran para sa darating "NATIONAL BOOK WEEK CELEBRATION". Napagkasunduan naming mag-isponsor ng isang "poster making contest". Sa ngayon ay wala pa kaming naisip na maarimg pamagat para dito. Ang ibang detalye ay pag-uusapan pa lamang sa susunod na meeting. Inabot kasi kami ng isang oras sa pagaasayn pa lamg ng mga komite sa iba't -ibang gawain. Maganda ang nasabing proyekto. Tiyak na makakatulong ito sa aming mga estudyante. Kaya lang, siyempre, may kamahalan kung kaya't di naiwasang may magtutol dito, ngunit maaari naman iyang magawan ng paraan. Balak naming humingi ng pondo sa "SSC" sa tulog ng kaklase naming miyembro ng SSC ay inaasahan naming marerealize ang aming proyekto.

Lunes, Nobyembre 17, 2008

Reaksyon 1

Sa araw na ito wala kaming masyadong ginawa. Pagkatapos ng pag-uulat ng balita at mga trivia ay ipinaliwanag sa amin na kailangan naming baguhin ang paraan ng pagrereport ng mga trivia at news. Kailangang naroon ang mga referens o mga pinagkunan ng impormasyon para may basehan ang aming mga iniuulat at para naman mabigyan ng pagkakataon ang iba na makita o mabasa ang mga iyon. Ito na ang pangatlong araw ng klase namin sa Filipino sa aming bagong guro. Ang masasabi ko lang talagang mahiyain siya. Bihirang kumibo at mahina ang boses. Talagang naiilang pa siya sa amin. Hindi masyadong tumitingin sa amin kapag may sinasabi. Ganunpaman naiintindihan ko naman kaya lang alam kong hindi nagugustuhan ng iba iyon. Sabagay, maganda talaga kung malakas ang boses ng guro at hindi gaanong seryoso. Isa pa sa rason ay ang tungkol sa project. Medyo magastos daw. Oo nga, tama naman sila pero dapat nilang isipin na magastos talaga ang pag-aaral. Kung tinatamad silang gumawa pagkatapos ng meeting maaari naman nilang gawin ito tuwing araw ng sabado. Kailangan lamang ay gumawa ng draft para mas madali ang pag-encode. Hindi rin naman kailangang masyadong mahaba. Bastat nariyan ang gusto mong sabihin. Malaya naman tayong gumawa ng kahit ano sa ating blog. Ang masasabi ko lang kailangan lang ay magkaroon tayo ng positibong pag-iisip tungkol dito. Alam ko naman na hindi ito ibibigay sa atin kung hindi ito makakatulong at makakapagpapaunlad sa ating kakayahan bilang estudyante.

Biyernes, Nobyembre 14, 2008

Reaksyon 2

Maganda ang mood ko ngayonng araw na tio. Ganado akong maparticipate sa talakayan kaya natuwa ako sa aking sarili. Naging maganda ang ginawang pagpapakitang-turo ni Ms. mirabueno. Talagang magaling siya. I know, she'll be a great teacher someday. Although simple lang ang mga activities na ipinagawa niya ay nakatulong ito para sa pagpapaliwanag ng paksa. Nag-enjoy kami kung kayat hindi kami nabagot. Sana laging ganito para hhindi ako inaantok. haha...Hmmm,,sa totto lang, nag-advance study kasi ako. Napag-aralan ko na ang tinalakay niya kaya hindi ako nagdalawang isip sa pagrecite.

Miyerkules, Nobyembre 12, 2008

Unang Araw Nang Klase Sa Filipino

Unang meeting namin ngayong araw na ito. Bago ang teacher namin. Si Mr. Irvin P. Sto. Tomas. Pinalitan niya and dati naming teacher na si Dr. Elsa Durante dahil may sakit ito at kailangang pansamantalang magleave. Sa araw na ito ay pinaliwanag niya ang mga requirements niya sa sabjek na ito gayundin ipinakilala niya sa amin ang kanyang pagkatao. Siya Ay 24 na taong gulang , ipinanganak noong Enero 6,1983 at kasalukuyang nakatira sa Canaman Camarines Sur. Ang masasabi ko lang mukha siyang mabait. Kaya lang Medyo may pagkamisteryoso. Kakaiba ang appeal.Haha...Parang siya yong tipo nang tao na masyadong malihim. Hindi rin siya palakibo.