Miyerkules, Disyembre 10, 2008
Ang Pag-aaral ni Rizal sa Sto. Tomas
Matapos ang pag-aaral ni Rizal sa kolehiyo ay nakapagdesisyon siyang mag-aral ulit ng kursong medisina ngunit sa pagkakataong ito ay nais niyang sa ibang paaralan naman mag-aral, sa Sto. Tomas. Ang magamot ang kanyang inang si Donya Teodora ang pinakadahilan kung bakit ninais niyang mag-aral ng medisina. Gusto niyang maoperahan ang mga mata nito na nagkaroon ng katarata dahil sa matagal na pagkakakulong sa bilangguan. Bukod diyan, nais niya ring magamot pati ang mga kababayan niyang may sakit din. Noong panahong iyon kasi ay laganap ang sakit sa kanilang lugar at ilan sa mga popular na sakit na nabanggit ay ang : cholera, beri-beri, tuberkulosis, at iba pa. Sa pag-aaral niya sa Sto. Tomas ay hindi lang medisina ang kursong kinuha niya kundi kumuha rin siya ng kursong Pilosopiya. Sa pagtatapos ng talakayan ay napagtanto ko ang ilang mga bagay-bagay sa aking sarili. Naisip ko, "ano rin kaya ang maitutulong ko sa aking pamilya at sa aking bayan?". Sumagi rin sa aking isip ang aking ina. Naisip ko "ano kaya ang magagawa ko para mapasaya siya?" Lalo na't malapit na ang kanyang kaarawan ay nais kong mabigayan siya ng isang bagay na ikakasasaya niya hindi lang bilang pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng bagay na ginawa niya para sa akin kundi pati na rin ang maipakita na mahal ko siya at mahalaga siya sa akin gaya ni Rizal. Isa siyang dakilang anak at napakabuti niya dahil may pagmamalasakit siya sa kanyang mga kababayan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento