Martes, Disyembre 16, 2008

पग्लालाक्बय नि रिजाल सा Europa

Ngayong araw na ito, ang tungkol sa paglalakbay ni Rizal sa Europa ang tinalakay namin. Sa pagpunta ni Rizal sa Europa ay nakasama niya si Maximo Viola. Sa loob ng limang taon ay nilibot nila ang mga lugar doon. Narito ang mga listahan ng mga lugar na napuntahan nila: Dresden(pinakamagandang lugar sa Alemanya), Leitmertz Bohemia,(kung saan nakilala niya si Blumentritt, na isang matandang Australyanong propesor), Prague, Vienna, Geneva (pinakamagandang lungsod sa Europa), Italya, Roma(walang hanggang lungsod). Pagkatapos ng mahabang paglalakbay sa Europa, na inabot ng limang taon, ay umuwi si Rizal sa Pilipinas. Naisipan niyang magtayo ng klinika at dahil doon ay tinawag siyang "doktor alemanya". Nagtayo rin siya ng gymnasium at ibinahagi niya ang kanyang mga natutunan sa larangan ng palakasan, sa kanyang mga kababayan.

Naging mabilis lang ang pag-uulat ni Geraldine. Sa katunayan ay inabot lang ata siya ng hindi lalampas sa kalahating oras o ni hindi nga ata siya umabot doon. Ang ilan sa maibibigay kong puna ay: walang siyang aktiviti na ipinagawa sa mga estudyante, ang bilis niyang magsalita, tinapos niya ang ulat ng halos siya lang ang nagsalita. Dapat ay binigyan niya ng panahon ang mga estudyante na makibahagi sa talakayan para magkaroon sila ng partisipasyon at aktiviti, maging pasulat man o pasalita.

Miyerkules, Disyembre 10, 2008

Ang Pag-aaral ni Rizal sa Sto. Tomas

Matapos ang pag-aaral ni Rizal sa kolehiyo ay nakapagdesisyon siyang mag-aral ulit ng kursong medisina ngunit sa pagkakataong ito ay nais niyang sa ibang paaralan naman mag-aral, sa Sto. Tomas. Ang magamot ang kanyang inang si Donya Teodora ang pinakadahilan kung bakit ninais niyang mag-aral ng medisina. Gusto niyang maoperahan ang mga mata nito na nagkaroon ng katarata dahil sa matagal na pagkakakulong sa bilangguan. Bukod diyan, nais niya ring magamot pati ang mga kababayan niyang may sakit din. Noong panahong iyon kasi ay laganap ang sakit sa kanilang lugar at ilan sa mga popular na sakit na nabanggit ay ang : cholera, beri-beri, tuberkulosis, at iba pa. Sa pag-aaral niya sa Sto. Tomas ay hindi lang medisina ang kursong kinuha niya kundi kumuha rin siya ng kursong Pilosopiya. Sa pagtatapos ng talakayan ay napagtanto ko ang ilang mga bagay-bagay sa aking sarili. Naisip ko, "ano rin kaya ang maitutulong ko sa aking pamilya at sa aking bayan?". Sumagi rin sa aking isip ang aking ina. Naisip ko "ano kaya ang magagawa ko para mapasaya siya?" Lalo na't malapit na ang kanyang kaarawan ay nais kong mabigayan siya ng isang bagay na ikakasasaya niya hindi lang bilang pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng bagay na ginawa niya para sa akin kundi pati na rin ang maipakita na mahal ko siya at mahalaga siya sa akin gaya ni Rizal. Isa siyang dakilang anak at napakabuti niya dahil may pagmamalasakit siya sa kanyang mga kababayan.

Lunes, Disyembre 8, 2008

Pag-aaral ni Rizal sa Ateneo

Si Rizal ay unang kumuha ng eksaminasyon sa SAN JUAN DE LETRAN dahil doon niya talaga balak mag-aral ngunit sinabihan siya ng kanyang mga magulang na sa Ateneo o (Escuela Pia noon) na lamang mag-aral kung kaya't kumuha siya ulit ng eksaminasyon para makapasok doon. Dahil sa maliit ang pangangatawan ni Rizal sa kanyang edad at huli na siya sa pagpapa-enrol ay hindi na sana siya makakapasok sa Ateneo pero dahil sa tulong ng isang kaibigan ay pinayagan siyang makapag-aral doon. Ang mga estudayante sa Ateneo noon ay nahahati sa dalawang pangkat: ang mga naninirahan sa loob ng paaralan at ang mga nakatira sa labas ng paaralan. Naging ,maayos naman ang pag-aaral ni Rizal doon at kinilala siya bilang isa sa magagaling na estudyante ng paaralang iyon. Matataas ang naging grado niya at dahil sa ipinamalas niyang kasipagan at taglay niyang katalinuhan ay isa siya sa mga nangunguna sa klase.

Biyernes, Disyembre 5, 2008

Unang Guro ni Rizal at Pagkawalay sa mga Magulang

Ang tungkol sa pag-aaral ni Rizal ang naging sentro ng paksa ng aming talakayan ngayong araw na ito. Sa pagsisimula ng klase ay tinanong kami ng tagapag-ulat kung sino at ano ang mga natatandaan namin sa aming unang naging guro. Naging masigla at napuno ng tawanan ang klase dahil sa iba'y -ibang karanasang ibinahagi ng bawat isa. May nagsabi na ang kanilang guro ay istrikto at namamalo ang iba naman binigyan daw sila ng bagong pangalan, basta napakarami! Ang sumunod ay ang pagtalakay sa pag-aaral ulit ni Rizal ngunit sa panahon na nawalay siya sa kanyang mga magulang. Nagkaroon ulit ng pagbabahagi ng kanya-kanyang karanasan. Ang iba nagkwento ng tungkol sa pagbabakasyon sa Baguio, sa Cebu at kung saan- saan pang lugar na pinuntahan nila kung saan naranasan nilang mapahiwalay sa kanilang mga magulang at mga kapatid. Isinalaysay rin nila kung ano ang kanilang naranasan sa ilang araw na pagtigil sa lugar na iyon at kung ano ang saya at lungkot ang kanilang naramdaman.

Miyerkules, Disyembre 3, 2008

Ikalawang Quiz Sa Rizal

Pagkatapos ng nakagawiang pag-uulat ng trivia at mga balitang napakinggan o nabasa ay nagbigay si Sir Irvin ng maikling pagsusulit batay sa ginawang pag-uulat ng aking mga kaklase. Hindi ako nakapag-scan ng notes ko kung kaya't hindi ko nakuha iyong sagot sa ibang katanungan. Ngunit, malaki ang pasasalamat ko na nagawa kong masagutan halos lahat ng tanong. Hindi naman ako bumagsak dahil nakikinig ako sa tuwing may nag-uulat at kung minsan ay nagbabasa rin ako ng aklat.(nag-aadvance study, ika nga).hehe...Kaya dahil dyan lagi na kong magbabasa sa tuwing may oras ako.